Magandang araw po! Ako si Deevs, at kasalukuyang nagsusulat ng aking kauna-unahang blog entry... dapat talaga eh kahapon pa ako magsisimula pero nawalan ako ng oras gawin ito... :)
Sunday:
Ang araw na pinakahihintay ng mga pinoy, shempre ano pa eh di ang ikatlong sagupaan nila Manny Pacquiao at Erik Morales... Nagising ako ng maaga-aga at kumain ng agahan, ngunit wala ring kwenta dahil hindi naman kami makakapanood sa sine o pay-per-view. Sinadya kong manood nalang sa coverage ng ABS-CBN at Solar Sports sa TV pero napalayo ng agwat ng oras mula sa aktwal na laban. Nag-internet ako habang naghahandang maligo... sobrang swerte ko lang siguro kasi nakahanap ako ng live feed ng laban sa internet! Isang nilalang na may pay-per-view subscription ng laban sa bahay nila at naka-feed sa internet yung kanyang TV, kaya napanood ko kung paano nanalo si Pacman. Pagkatapos ng laban nila, nagpunta ako sa kwarto ng aking mga magulang at sinabi ko na alam ko na ang resulta hehehe! Malamang nahinuha na rin nila kung sino ang nanalo kung susuriin nila ang aking mukha.
Congrats Manny Pacquaio! Tunay kang maipagmamalaki ng mga Pinoy :)
I immediately took a bath and left home... First I went to Gateway mall to have a shirt replaced (got a medium, but my size is large). Then, I went straight ahead to Mall of Asia via bus. Went to Timezone Arena and saw Timba(PPF) and Mitchang(a japanese DM player) and played one game each of DMV2 and GF11th... After that, I went to meet w/ a friend (Jien) and had snack-dinner, walked around a bit and had coffee afterwards... I walked with her to the bus terminal and initially I was supposed to go home too, but I forgot I also went here in MoA to buy some business clothes. Went around the whole place, visited lots of shops, and after an hour, I found gold! G2000 is the only store w/ a 50% off on business clothes (YEY!) so I got 1 polo and 2 collared shirts... good thing I will be able to reimburse business clothing (w/ a certain amount)... at least I was able to save :)
Gabi na nun kaya naisip kong umuwi na dahil maaga pa ang pasok kinabukasan - 5am ang pasok ko kaya lagi akong natutulog ng mga bandang 8 o 9 ng gabi... pero pauwi ako nun mag-aalas-diyes na kaya naghintay na rin ako ng bus patungong Cubao kaya lang walang aircon bus na dumadaan, kung meron man, papuntang MIA-Coastal na... naghintay ako doon ng halos 30 minuto at naisipan kong sumakay na ng ordinary bus. Medyo masikip yun kaya sa bandang likod na ako nakasakay. Mayroon pa ngang mga batang Badjao doon na nagtatambol ng mga lata habang namamalimos. Nagsimula sa harap maningil ang kundoktor kaya inihanda ko na rin yung pambayad... nung nasa bandang gitna na yung kundoktor, may nakausap siyang pasahero pero hindi ko naintindihan ang pinag-usapan nila, ang narinig ko lang na sinabi ng kundoktor ay "pag-iisipan ko muna yan..." Hindi ko gaano pinansin yun... Noong bandang nasa Baclaran na, lumipat ako malapit sa gitna kasi maluwag na doon at gusto ko laging malapit sa pintuan para madaling makalabas. Narinig ko nalang bigla ang usapan nung kalapit kong lalaki (yung kumausap kanina dun sa kundorktor habang nagbabayad) at yung kundoktor:
(Hindi eksaktong pag-uusap)
Naka-stop na ang bus palikong Baclaran
Lalaki: Baba na ako dito, wala pa yung sukli ko.
Kunduktor: Anong sukli? Nasuklian na kita kanina ah!
L: Manong, isang daan lang ang pera ko, wala pa kayong binibigay na sukli sa akin...
K: Malabo yang sinasabi mo!
(tumayo na ang lalaki)
L: Paano yun, wala pa naman kayong binigay sa aking nobenta, sasakay pa ako pauwi...
K: Wag ka nang magloko! Hindi mo ako maloloko!
L: Wala nga talaga sa akin, nasaan yung nobenta? (binubunot ang mga bulsa) Wala pa akong nakukuha...
Lahat ng tao sa bus nakatingin na sa dalawa
K: O sige sumama ka sa opisina, doon ka magpaliwanag...
L: Ba't ho ako sasama? Eh kayo ho yung hindi nagbigay ng sukli...
Tumagal ito ng halos 5 minuto, may mga batang kalye na umakyat sa bus na nakiki-usisa
Kinakabahan ako baka magsuntukan bigla yung dalawa eh saktong katabi ko yung lalaking nakatayo, baka lang madamay ako.
K: Malabo yan, sumama ka nalang, doon natin malalaman...
L: Kailangan ko pa hong umuwi manong, wala na ho akong pera, isang daan lang ang pera ko...
K: Ay nako, hindi mo ko maloloko, boy!
(Umaandar na ang bus paliko)
L: Akin na yung sukli ko!
K: Hoy, masho-short pa ako nyan!
L: Akin na! Kailangan ko pang umuwi!
Hindi na pinapansin ng kunduktor ang lalaki.
Binunot ko ang wallet ko at naglabas ako ng P50. Tinapik ko sa tagiliran yung lalaki.
Deevs: Pare, eto oh, umuwi ka na. Sige na...
Kinuha ng lalaki ang singkwenta, habang nakikipagtalo pa sa kunduktor.
L: (Tinapik ako sa balikat) Pasensya na ho ah... (Pababa na ang lalaki ng bus)
May mga sumasakay na sa bus na bagong pasahero.
L: (Tinuro ang kunduktor) Manloloko ka!
K: Ikaw ang manloloko!
At humarurot na ang bus paalis...
Binalot ng katahimikan ang bus, para bagang walang nangyari. Balik sa normal ang lahat.
Sa loob-loob ko, napaisip ako... tama ba ang ginawa ko? Para sa akin, oo.
Hindi na bale ang singkwentang ipinamigay ko. Hindi na baleng ginabi na ako ng uwi at mapupuyat ako. Hindi na baleng hindi ako naging kumportable sa ordinaryong bus. Ang sa akin lang, basta't natapos ang alitan nug dalawa, basta't naiwasan pa ang maaaring kaguluhan, basta't nakauwi ng matiwasay yung lalaki, panatag na ang loob ko.
When I got home, I even thought, maybe God placed me at that spot on purpose, that He let me buy those stuff, get out of the mall at that certain time, let me ride that specific ordinary bus to Cubao, etc. Well, all's good! So who's right, who's wrong? I guess I can never tell... It's hard to determine if you haven't seen the entire incident as a whole. But bottomline is, I have helped both of the guys. And that's what gave me peace of mind. I hope the others in the bus had theirs too.
Current Location: Office
Current Mood:
contemplative
Current Music: Asaki - Hotaru